Kaligtasan (Saan Ka Nabubuhay)
Saan ka nabubuhay?
Mahal na kaibigan,
Sa Diyos ba?
O pansarili lamang.
Saan ka patutungo,
Langit ba o impyerno?
Isipin mo ito kaibigan ko.
Ngayon ang araw
ng kaligtasan mo,
Kaibigan ko
Baka ang bukas
ay di na darating
Buhay mo'y madaling lilipas
at magwawakas
Kaligtasan ay
nasa Diyos lamang.
Ikaw ay naging tao
Mahal na kaibigan
Upang maglingkod
sa Diyos lamang
Hanapin mo ang daan
Tungo sa kaligtasan
Makakamtan mo ang buhay
Na walang hanggan
Magpasya ka ngayon
habang may panahon
Alinlangan pawiin mo ngayon
H'wag kang magpaliban,
huwag kang mag-alinlangan
Pinto ng 'yong Puso ay pagbuksan.
Home