Ano pa bang Handog
Panginoong Hesus, sainyo ang pagsamba,
Sainyo ang pagpupuri magpakailanman
Punuin nyo, Hesus, ang puso kong naghahangad,
Ng Inyong liwanag na masulyapan.
Panginoon, ako’y narito,
Buong pusong sumusuko.
Ano pa bang handog na maibibigay
Yamang sa Iyo ang lahat, O Panginoon?
Di man sapat ang buhay kong handog sayo
Tanggapin Nawa ang papuri’ t pag samba
Panginoong Hesus, walang hihigit sa'iyo,
Sa Iyong pangalan, lahat ay sumasamba.
Punuin nyo, Hesus, ang puso kong naghahangad,
Ng Inyong liwanag na masulyapan.
Panginoon, ako’y narito,
Buong pusong sumusuko.
Ano pa bang handog na maibibigay
Yamang sa Iyo ang lahat, O Panginoon?
Di man sapat ang buhay kong handog sayo
Tanggapin Nawa ang papuri’ t pag samba
Hesus, Ikaw ang Dakila sa lahat
Hesus, Ikaw ay kamangha-mangha
Hesus, Ikaw ay lubos na tapat
Sa Iyo ang papuri at luwalhati,
Ano pa bang handog na maibibigay
Yamang sa Iyo ang lahat, O Panginoon?
Di man sapat ang buhay kong handog sayo
Tanggapin Nawa ang papuri’ t pag samba
Handog Sayo,
Tanggapin Nawa ang papuri’ t pag samba
Home