Karapat-Dapat

Dinggin mo aming ama
Itong dalangin na aming inaalay
Pawiin mo ang pusong pagal
Yakapin mo kami ng 'yong pagmamahal

Di akalaing
Tulad ko'y mamahalin
Ngunit pag-ibig na wagas
Ang iyong hatid

Hindi kami karapat -dapat
Ngunit buhay mo ay iyong inalay
Sa kabila ng lahat
Iyong tinanggap
Tinawag mo kaming iyong anak

Di masusukat, di nagkukulang
Pag-ibig mo'y sapat sa'min kaylanpaman
Lumalabis, umaapaw
Kagandahang loob na sa'mi'y nagligtas

Di akalaing
Tulad ko'y mamahalin
Ngunit pag-ibig na wagas
Ang iyong hatid
(×2)

Home