Anak Napapagod Ka ba?

Anak napapagod ka ba?
Sayong paglilingkod, Ikaw ba'y nanghihina
Batid ko ang iyong nadarama,
Mga paghihirap mo at pagluha
Ngayon ba'y aalis ka pa?
Batid mo'y pagbabalik ko'y malapit na

[CHORUS]
Anak sa akin ay lumapit ka
At sa bisig ko ikaw ay mamahinga
Ulo mo'y ihilig sa aking dibdib
Pintig ng puso ko'y iyong maririnig
Anak labis Kitang iniibig

Home