Katulad ng mga Agila
Katulad ng mga agila, tayo ay lilipad
Hindi mapapagod ating mga pakpak
Tayo’y magdadala ng buhay at sigla
Sa mga anak ng Diyos na nanghihina
Halika na, Humayo na
Ipahayag ang tagumpay Niya
Halika na at magdala
Ng kalakasan sa Presensiya Niya
Ito ang panahong ‘di na uso ang mag-backslide
Ito ang panahon ng pagbabalik loob sa Kaniya
Sama-sama na mag-apoy sa Ngalan Niya
Ang gawa ng diyablo ay tutupukin na
Home