Bumangon Ka, Kumilos Na
Kung pagmamasdan mo ang ating mundo
Mga hula ay nagaganap at natutupad
Di ka ba nababahala na hindi ka pa handa
Sa pagbabalik ng Panginoon wala ka pang nagagawa
Bumangon ka, kumilos na
Huwag mo ng hintayin pang maibalik sayo ang sala
Magpakatibay ka at magpatuloy na
Upang sa Kaniyang pagbabalik
Ikaw... ay makasama
Kristiyano nasaan ka na kailangan mo ng gumawa
Upang ipangaral mo ang Kaniyang salita
Habang may oras pa ay gampanan mo na
Ang tungkuling inilaan sa'yo ng may likha
Bawat tiktak ng orasan ay mahalaga
Umiiyak, sumisigaw ang mga kaluluwa
Iabot mo ang iyong kamay sa kanila
At ihakbang mo ang iyong mga paa
Home