Bagong Likha
Isang bagong anyo
Ang nakita at namasdan ng karamihan
Tinatanong nila bakit kakaiba
Ang buhay niyang pag asa'y nakamtan
Isang bagong likha
Ang umilaw at tumanglaw sa kadiliman
Umaawit siya "Papuri Kay Hesus"
Si Kristo ang pinaglilingkuran
Ang buhay ng tao'y nagbabago
Ang puso'y nililinis ni Kristo
Kahit na anong sama't nagkasala
Ang Panginoon ay babaguhin ka
Kung mananalig sa Kanya
Home