Hinango
Ako’y hinango Mo
Ako’y hinango Mo sa dusa
Sa sala kong gawa
Ikaw ang gumawa ng paraan upang ako’y lumaya
Kay tagal kong nagtiis
Puno ng hinagpis ang buhay
Walang pumapansin
Sa mga suliranin
Ngunit Ikaw ang nagbigay ng ningning
Bagong pag-asa
Sa’kin naghihintay
Di masayod na pag-ibig Mo
Sa’kin mananahan
Dalangin ko Panginoon
Buhay ko’y pagpalain kailanaman
Sa’yo lang oh Diyos
Nagbago ang bukas
Aking lumipas kailanma’y ‘di na mababakas
Salamat po Panginoon
Buhay ko’y Iyong iniligtas.
Kay ganda ng gabi
Pag-ibig Mo sa’kin ay tunay
‘Di mapapantayan
Kahit ano pa man
Hesus Ikaw ang lahat sa buhay
Home