Banta
Noong unang panahon sa aklat ng Kronika
Matatagpuan ang isang hari ng Juda
May takot sa puso gaya ng sino man
Ngunit walang pag-aalinlangan
Siya'y lumuhod, tumawag kay Yaweh
Kaniyang idinulog ang kalaban niyang kay dami
Diyos ay tumugon at sa kaniya'y sinabi
Josaphat wag kang matakot
Sila'y nag-ayuno sabay na nagpupuri
Lahat ay sama-sama pati na ang hari
Patnubay ni Yaweh sa kanila'y namalagi
Dahil sa panalangin banta ay napawi
Gising na bayan, tayo'y magkaisa
Oras na laan wag nang sayangin pa
Magpakatatag at manalangin na
Kay Hesus na siyang tanging pag-asa
Banta sa ating bayan ating nalalaman
Kahit ang iba'y nagbubulag-bulagan
Di mo maitatatwa ang katotohanan
Isang araw ay wala nang kalayaan
Kawawang bansa kung si Hesus di maghahari
Walang patutunguhan, tiyak na masasawi
Ating inang bayan walang pasubali
Kukunin ng kaaway, sila'y magwawagi
Home