Hangarin

Naghahanap, nagmamasid
Naghahangad ng mabuting layunin
Layunin ko'y makarating
Sayong piling, sayong piling

Nagtitiis, naghihintay
Ganyan talaga ang yugto ng buhay
Buhay na inaasam
Doon sa langit, doon sa langit

Hangarin ko, hangarin mo
Doon sa langit ay magkasama tayo
Init ng pag ibig ay damang-dama
Ang buhay ko'y kay saya sa piling Diyos Ama
Hangarin ko ay makapiling ka

Kaibigan iyong pag isipan
Ang buhay na iyong sinasayang
Ang langit ay di mo makakamtan
Ika'y magsisi, ika'y magsisi

Home