Bagong Puso (Psalms 51)

O Diyos, ako'y lumalapit
Baguhin niyo ang aking isip
Linisin niyo ang aking puso
Sa inyo lamang Ako susuko

O Diyos aking tanggapin
Ang inyong gabay sa bawat hakbangin
Puso ko'y inyong ayusin
At inyo'y akong iaalay

Pusong Busilak ang aking hiling
Bagong damdamin ang aking dalangin
Ibalik O Diyos ang galak ng pagliligtas
Upang sa inyo ako'y mamuhay ng lubos

Turuan ninyo akong magmahal
Na gaya ng inyong pagmamahal
Palitan ninyo ang aking puso
Ng may kababaan sa inyong harapan

O Diyos aking tanggapin
Ang inyong gabay sa bawat hakbangin
Puso ko'y inyong ayusin
At inyo'y akong iaalay

Pusong Busilak ang aking hiling
Bagong damdamin ang aking dalangin
Ibalik O Diyos ang galak ng pagliligtas
Upang sa inyo ako'y mamuhay ng lubos

Huwag niyo akong iwan, O Diyos ko
Pag-ibig niyo'y sa akin gagabay
Aawitin ko ang inyong kabutihan
Sa Puso Kong kayo ang itataas

Pusong Busilak ang aking hiling
Bagong damdamin ang aking dalangin
Ibalik O Diyos ang galak ng pagliligtas
Upang sa inyo ako'y mamuhay ng lubos

Home