Salamat po Ama,
sa bawat araw na nagdaan
Kahit may kahirapan,
Ako’y di mo pinababayaan
Kaya naman ang buhay ko,
Ay inaalay sa Iyo
Dumating man ang unos,
Ako pa rin ang hawak Mo.
[CHORUS]
Dumating man ang dilim, Pagsubok ma’y sasa akin
Pangako Mong lagi ako’y Iyong yakap-yakap pa rin
Ang puso man ay humibik,
sa dalamhati at sakit
Ito’y aking titiisin, hanggang Sa’yong pagbabalik.
Ang buhay kong ito
ay nasa ‘yong mga kamay
Hawakan Mo, Ama,
baka ako’y mahiwalay
Palakarin Mo ako,
na may takot Sayo
At iyong alalayan,
ang bawat hakbang ko
[CHORUS]
Dumating man ang dilim, Pagsubok ma’y sasa akin
Pangako Mong lagi ako’y Iyong yakap-yakap pa rin
Ang puso man ay humibik,
sa dalamhati at sakit
Ito’y aking titiisin, hanggang Sa’yong pagbabalik.