Buhay Mo, Buhay Ko

Nais mo mang dugtungan wala ka ring magagawa
Nais mo mang kitilin ito'y lalong kasalanan
Nais mo mang hawakan ng walang patnubay Niya
Ngunit ang katotohanan wala ka ring magagawa

Yan ang buhay mo at yan ang buhay ko
Buhay na ipinagkaloob ng Diyos sayo
Siya ang nagbigay at siya lang ang may karapatan
Na bawiin mula sayo ang hiniram mo lang

Ibig mo mang magtampo, hinding-hindi Siya susuko
Pagkat alam na alam Niya ang kahihinatnan mo
Kung di ka sa langit , saan ka patungo
Yan ang dapat mong isipin oh tao

Makamtan mo man ang lahat ng iyong nanaisin
Kung wala naman sayo ang Panginoon natin
Darating din ang araw na pagsisihan mo
Kung anong maging buhay mo sa mundong ito...

Home