Tupang Ligaw (Isaiah 53:6)
Ako'y isang Tupang Ligaw
Nalayo sa iyong kawan
Sa dilim ay naglakbay
Sariling daan ang sinundan
Akala ko'y may kalayaan
Ngunit sugatan ang puso ko
Sa bawat hakbang na mali
Tinawag mo pa rin ang pangalan ko
Ako'y Tupang Ligaw na iyong hinanap
Hindi mo ako iniwan sa ilang
Nang ako'y matagpuan mo
Binuhat mo sa iyong balikat
Ikaw ang mabuting pastol
Buhay mo'y ibinigay
Sa iyong Pag ibig ako'y Ligtas
Ako'y iyong tinubos magpakailanman
Kahit sa libis ng dilim ako'y dadaan
Hindi ako matatakot, sapagkat ikaw ay kasama ko
Tungkod at baston mo ang aking lakas
Sa gitna ng Takot at Luha
Presensya mo ang kapayapaan
Sa iyong tinig ako'y sumusunod
Ikaw ang aking daan
Ako'y Tupang Ligaw na iyong hinanap
Hindi mo ako iniwan sa ilang
Nang ako'y matagpuan mo
Binuhat mo sa iyong balikat
Ikaw ang mabuting pastol
Buhay mo'y ibinigay
Sa iyong Pag ibig ako'y Ligtas
Ako'y iyong tinubos magpakailanman
May galak sa Langit
Sa isang makasalanang nagsisisi
Tinawag mo ako sa pangalan
At ako'y tumugon sa iyong Pag ibig
Ako'y Tupang Ligaw na iyong hinanap
Hindi mo ako iniwan sa ilang
Nang ako'y matagpuan mo
Binuhat mo sa iyong balikat
Ikaw ang mabuting pastol
Buhay mo'y ibinigay
Sa iyong Pag ibig ako'y Ligtas
Ako'y iyong tinubos magpakailanman
Ako'y Tupang Ligaw na iyong hinanap
Hindi mo ako iniwan sa ilang
Nang ako'y matagpuan mo
Binuhat mo sa iyong balikat
Ikaw ang mabuting pastol
Buhay mo'y ibinigay
Sa iyong Pag ibig ako'y Ligtas
Ako'y iyong tinubos magpakailanman
Naririnig ko ang iyong Tinig
At ikaw ang aking sinusundan
Sa iyong kamay ako'y Ligtas
Walang makaagaw kailanman
Hindi na ako maliligaw
Sapagkat ikaw ang pastol ko
Habambuhay kang sasambahin
Aking tagapagligtas.... O Yahweh!!
Home